Paano Kumuha ng Ayuda?

1. Siguraduhing ikaw ay karapat-dapat tumanggap. Kung hindi ay huwag nang tangkain. Huwag manggulang. Magbago na tayo ng ugali.

2. Pumila nang maayos. Huwag sumingit. Huwag makipagbalyahan. Huwag magkandarapa. Mas mahalaga ang kaligtasan kaysa sa kakarampot na pera.

3. Gastusin sa tama ang ayudang natanggap at huwag lustayin. Ipang-agapay mo sa iyong pag-aaral upang ikaw ay maging kinabukasan ng bayan.

Maging marangal ka sa pagtanggap ng ayuda. Kung ikaw ay magpapakabait, malay mo maulit.

Ulitin natin para maintindihan mo nang husto:

1. Siguraduhing ikaw ay karapat-dapat tumanggap. Kung hindi ay huwag nang tangkain. Huwag manggulang. Magbago na tayo ng ugali.

2. Pumila nang maayos. Huwag sumingit. Huwag makipagbalyahan. Huwag magkandarapa. Mas mahalaga ang kaligtasan kaysa sa kakarampot na pera.

3. Gastusin sa tama ang ayudang natanggap at huwag lustayin. Ipang-agapay mo sa iyong pag-aaral upang ikaw ay maging kinabukasan ng bayan.

--

--

I’m not a person but a mere ethereal wind that will never ever matter.

Get the Medium app

A button that says 'Download on the App Store', and if clicked it will lead you to the iOS App store
A button that says 'Get it on, Google Play', and if clicked it will lead you to the Google Play store
Marven T. Baldo